Tuesday, July 5, 2011

HIGHSCHOOL

Senior days infront of BED Office
Naisipan ko biglang mag blog tungkol sa highschool life ko particularly sa mga highschool friends ko na bihira ko ng makita. Ayy, hindi pala bihira, hindi ko pala talaga sila nakikita (Busy kasi ako! Hahaha). June or May 2010 ko pa ata sila nakita, nung nanuod kami ng Sex & The City 2 sa greenbelt kahit na palagi silang nag-aaya (As in palagi, like every friday) para magdinner or movie or nomnom or all of the above. 

Oh well papel, hindi ko alam kung paano ako napasama dito sa grupo na 'to basta grade 10 na kami nun pero friends-friends na kami miski nung Grade 8 pa. Ang naaalala ko nalang eh, nung "initiation" (Wow, may ganun?) namin nila ekai at cha, eh nagswimming kami sa sea breeze ng bigla-bigla na may sarili-sarilin paalam sa aming mga magulang kagaya ng sa akin na gagawa kunyari ng Investigatory Project.

Villa Platones or Villa or XIV - yan ang tawag sa grupo namin, gang para sa mga teachers namin. Hindi ko namin alam bakit nasabing gang ang grupo namin, eh hindi naman kami mukhang gangsters at lalo ng hindi naman kami akyat bahay para masabing gang ang samahan namin. Hanggang ngayon hindi ko parin lubos maisip kung anong nakita niya at pumasok sa isip ni "Impong Sela" para sabihin na isa kaming gang. 

Villa Platones or Villa or XIV - Ang mga estudyanteng lagi mong makikita sa pergola na nakapila dahil sila ang mga suki ng latecomers. Sila din yung mga estudyanteng nang tri-trip sa veranda tuwing lunch time, mga estudyanteng pinalalabas sa library dahil sa ingay, mga estudyanteng nakikipagkwentuhan sa mga teachers sa bed office para makasagap ng aircon, mga estudyanteng kung tumawag sa teachers ay by nickname (Parang kay Ate Nits na teacher sa Algebra), mga estudyanteng nakakalimutan magbayad sa canteen sa sobrang mahal ng benta nila, mga estudyanteng kumakanta ng "Enteng Kabisote" habang naglalakad paakyat ng classroom pagkatapos maglunch, mga estudyanteng pinatawag sa klase para maglinis ng tables sa lunch hall dahil hindi niligpit ang mga pinagkainan, mga estudyanteng nang tri-trip ng kapwang estudaynte sa lunch hall tuwing friday at vacant (FYI: yung pang tri-trip ay di nakakasakit sa kapwa, pupwesto lang kami sa bawat table sa luch hall at mag-aantay ng dadaan sa gitna at titignan at minsan papalakpakan), mga estudyanteng tumatambay sa AVR 1 at 3 para manuod ng bulagaan at magpalamig, mga estudyanteng nag rambol ng AVR bago grumaduate, mga estudyanteng nagkalembang ng bell ng mga penguins nung siesta nila, mga estudyanteng tinagurian ng Asst. Principal na "Notorious Students", at marami pang iba.

Ang motto ng grupo ay "Enjoy life while young" at yun naman talaga ang ginawa namin. Pero nung college, para may mangyari sa mga buhay-buhay namin ay naghiwa-hiwalay kami ng school. Mahirap naman kasi yung wala kaming kinabukasan kung magsasama-sama pa rin kami. 

Naging masaya ang highschool life ko, lalo na ang senior year ko dahil sa "gang" na to. As in over over na saya. Hahaha. Pero ang totoo, hindi lang puro kalokohan ang grupo na ito, karamihan sa kanila eh kasali sa Top 10 ng magkabilang section (Syempre, di ako kasali dun. Asa pa.), maassahan din naman ang grupo na 'to miski money matters. Pag napasama ka sa grupo na 'to, dapat buo ang loob mo, marunong dumiskarte at higit sa lahat handang mapunta sa bed office. :)


Credits to: Twitums

" Life is partly what we make it, and partly what it is made by the friends we chose."