Tuesday, December 21, 2010

Langgam

Ang lahat ng ito at dahil sa mga kaibigan kong Langgam . :)

Nakakatouch ang mga kaibigan kong langgam kaya naman sa sobrang pagkatouch ko sa pagbisita nila sa pamamagitan ng pagchill sa laptop screen at paglalaro ng habulan sa aking trackpad at keyboard ay gumawa ako ng blogsite. Hahaha

Let's start.

Ang mga langgam , sila yung mga kaibigan ko sa aking laptop table sa may pader sila actually , sila yung mga kasama ko sa mga "Sleepless Nights" ko , oo kasama ko sa mga panahon na pinaglalamayan ko ang mga school stuffs. Never nila akong tinulugan or iniwan , may pagkain man o wala , masarap man o hindi . Sila rin ang mga nakakausap ko sa mga panahon na wala ako sa aking sarili o sa mga panahon na nalulungkot at wala akong magawa. Sila ang aking buhay.

Pero dahil sa tapos na ang submission ng feasib noong monday pa [december 13] , ang subject na lagi naming pinaglalamayan , ang paggawa ng critique paper, reaction paper, reflection paper at kung ano - ano pang paper, at tapos na rin ako sa printing ng mga draft reviewers para sa mga quizzes and exams eh hindi na rin ako nakakaupo sa aking trono. Ngunit higit pa dyan ang tunay na dahilan kung bakit hindi ako nakakaupo dun ... At eto yun ...

P.S : Ang inyong makikita ay masakit sa mata katulad na rin ng sabi ng aking mahal na ina :)


Nung sunday ko pa pinicturan yan, pagkatapos ko iprint ang aming feasibility. Ang tanging pinagkaiba lang nyan sa ngayon eh wala na dyan ang folder, dahil naipasa nanamin sa aking mahal at chakang professor. :))

Sa mga kaibigan kong langgam, konting panahon nalang at magkakasama na tayo, siguro mga after christmas dahil wala na akong choice kundi gawin ang chapter 3 ng aming feasib na ipapasa na darating na pasukan.

Oh well papel , hanggang dito nalang tinamaan ako ng katamaran :)