Thursday, December 23, 2010

Ayala Triangle

"The Ayala Triangle is a sub-district of the Makati central business district, comprising the parcel of land between Ayala Avenue, Makati Avenue and Paseo de Roxas, as well as the buildings on those streets. Many multinational companies, banks and other major businesses make their home on the triangle, noted by the many skyscrapers bounding the Triangle. Many exclusive and/or expensive stores make their home there. Ayala Avenue and Paseo de Roxas also house the distinction of being the runways of the former Nielson Field, Metro Manila's main airport in the 1930s."

Matagal ko ng gustong pumunta dun, nung may pasok palang pinalano nanamin ng iba ko pang friends na pumunta dun pero walang time since busy sa feasiblity at iba pang school stuffs. Kung tutuusin madali lang pumunta dun, as in isang tumbling lang eh nasa triangle na kami dahil sa paligid lang rin naman ang school namin. Eh ang kaso kasi, hindi naman kami inaabot ng gabi sa school, hanggang 5PM ang pinakalate naming uwian, at dahil nasa business district kami, umiiwas kami sa rush hour at hindi talaga maisingit ang pagpunta dun. Ay teka! Naisingit naman pala, nung kinuha ko yung allowance ko sa AyalaLand ... wrong timing nga lang dahil tanghaling tapat kami pumunta dun then back to school para magtake ng prelim exam. Bwisit! Mga higanteng Christmas Tree lang ng Tower One ang nakita ko. 

Christmas break na at palagi kong nakikita sa TV na pinapakita ang triangle. Alam mo yung feeling na, nanghihinyang na ewan. Yung sayang yung panahon at chance na pumunta dun at makakita ng magandang ilaw . (Syet! Natatawa ako, para akong bata! Ang babaw)  Yung tipong of all people ako pang batang makati ang hindi pa nakakapunta dun, partida dun pa ako sa building at company ng pinag-ojtihan ko ang may pakana ng lahat tapos ako pa yung hindi pa nakakapunta dun. Diba ? Nararamdaman mo ba hinanakit ang panghihinayang ko ? 

Monday nung niyaya ko ang bestfriend ko magpunta sa Ayala Triangle sa kadahilanang gusto ko makita and mapanuod yung christmas presentation blahblahblah . Pero hindi kami natuloy dahil biglaan kaming nag night market sa DV . So napagplanuhan na sa wednesday na lang pumunta . 

Wednesday, tinext ko ang mga kawani ng makati dahil gusto kong paghandaan nila ang pagdating ko pero syempre chos lang yun .. tinext ko yung mga working girlfriends namin na pupunta kami ng triangle at baka gusto nila makita ang dyosa nilang kaibigan. Chos ulet! Tinest ko sila na makipagkita samin since dun lang din sila sa paligid nagwowork. Pumayag naman sila. Usapan 6pm kami magkikita dun na mismo pero dahil tunay kaming magkakaibigan .. 8pm kami nagkita . Muntik - muntikan pang hindi mapanuod ang presentation dahil 6 - 8pm lang pala ang presentation dun . Buti nalang at nakaabot kami sa last presentation kundi nabelewala ang pagpunta .

Ayun , happy na ako kasi nakapunta na ako sa Ayala Triangle , yun lang ang simpleng wish ko this christmas. At kung meron mang gusto at hindi pa nakakapunta dun, eh handa kong samahan basta bibilan niya ako ng GoldenSpoon :) 

Tuesday, December 21, 2010

Langgam

Ang lahat ng ito at dahil sa mga kaibigan kong Langgam . :)

Nakakatouch ang mga kaibigan kong langgam kaya naman sa sobrang pagkatouch ko sa pagbisita nila sa pamamagitan ng pagchill sa laptop screen at paglalaro ng habulan sa aking trackpad at keyboard ay gumawa ako ng blogsite. Hahaha

Let's start.

Ang mga langgam , sila yung mga kaibigan ko sa aking laptop table sa may pader sila actually , sila yung mga kasama ko sa mga "Sleepless Nights" ko , oo kasama ko sa mga panahon na pinaglalamayan ko ang mga school stuffs. Never nila akong tinulugan or iniwan , may pagkain man o wala , masarap man o hindi . Sila rin ang mga nakakausap ko sa mga panahon na wala ako sa aking sarili o sa mga panahon na nalulungkot at wala akong magawa. Sila ang aking buhay.

Pero dahil sa tapos na ang submission ng feasib noong monday pa [december 13] , ang subject na lagi naming pinaglalamayan , ang paggawa ng critique paper, reaction paper, reflection paper at kung ano - ano pang paper, at tapos na rin ako sa printing ng mga draft reviewers para sa mga quizzes and exams eh hindi na rin ako nakakaupo sa aking trono. Ngunit higit pa dyan ang tunay na dahilan kung bakit hindi ako nakakaupo dun ... At eto yun ...

P.S : Ang inyong makikita ay masakit sa mata katulad na rin ng sabi ng aking mahal na ina :)


Nung sunday ko pa pinicturan yan, pagkatapos ko iprint ang aming feasibility. Ang tanging pinagkaiba lang nyan sa ngayon eh wala na dyan ang folder, dahil naipasa nanamin sa aking mahal at chakang professor. :))

Sa mga kaibigan kong langgam, konting panahon nalang at magkakasama na tayo, siguro mga after christmas dahil wala na akong choice kundi gawin ang chapter 3 ng aming feasib na ipapasa na darating na pasukan.

Oh well papel , hanggang dito nalang tinamaan ako ng katamaran :)